Mga mag-aaral ng MSC, gagamit ng Tablet PC

Simula sa darating na pasukan sa Hunyo, 2013, magsisimula na ang paggamit ng mga estudyante sa MSC nang tablet PC para sa kanilang mga leksiyon.
Ayon kay G. Ike Prudente, ito ay bilang pagtugon sa adhikain ng MSC na manguna sa kaalaman at paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na sa pag-aaral ng mga kabataan.
Unti-unting papalitan ng nasabing tablet PC ang mga aklat na simula’t-sapol ay pinagkukunan ng kaalaman ng mga mag-aaral. Pati leksiyon ng mga guro ay ilalagay sa isang “server” kung saan makikita ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng tablet PC.