Stories from the Alumni: Hazel Rose M. Soleta

“Parang butil ng buhangin di gaanong napapansin, pag- inipon ang tinapon ay panghihinayangan din.”

Walong taon na ang nakararaan nang ako ay mag- umpisa bilang isang butil ng buhangin. Isang buhangin sa napakalawak na baybayin; hindi napapansin at hindi alam kung paano palulutangin ang natatanging talento at galling.

Hunyo, 2006 noon nang malaman ko ang pakiramdam ng isang sundalong susugod sa gera na walang dalang sandata. Unang araw ko noon sa hayskul. Unang araw ko sa paaralang kahit sa pangarap ay hindi ko naisip na aking mararating. Sa kabutihang palad, ako ay nakapasok at nakapagtapos sa isang pribadong paaralan. Sa loob ng apat na taon nang pagiging iskolar ay naitaguyod ko ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante, ang hayskul.

Maraming bagay ang aking narasan. Natuto akong makihalubilo sa mga taong higit na angat ang antas sa buhay. Natutunan kong makipagsabayan at hindi ikahiya ang aking katayuan. Nakahanap din ako ng mga tunay na kaibigan na hindi ako huhusgahan at handang tumulong kapag ako ay nangangailangan.

Sa lugar na ito, natuto akong lumaban hindi gamit ang dahas kundi gamit ang pluma at isipan. Dito natuto akong tumayo, humarap sa maraming tao at manindigan. Sa lugar na ito, naranasan kong maging lider na namumuno, pinakikinggan, iginagalang at sinusundan.

Courage is the only thing that I had during my highschool days. Ito ang laging baon ko sa pagpasok sa paaralan. Sa loob ng apat na taon, maraming leksyon ang aking natutunan sa loob at labas ng silid- aralan. Ito ang mga leksyon na patuloy na nakalagay sa aking puso’t isipan at patuloy na isinasabuhay.

Sa MSC, ang isang buhangin na dati ay hindi gaanong napapansin ay pinahahalagahan at panghihinayangan na rin. I realized my worth. MSC really brings out the best in me.

Hazel Rose M. Soleta
MSC High School Class 2010
Former MSC Student Council President
Former MSC Scholar
LSPU BSE Class 2014
Former LSPU Scholar
Currently teaches at Lakes City Christian School
Handling Grades 4,5, and 6 teaching Math, Computer, and MAPEH subjects