ni: Armie Eloisa V. Exporna
Nananatiling aktibo at walang kupas ang mga aktibidad ng iskawting sa MSC High School. Nagbibigay ng oras ang mga estudyante para sa mga kaganapang ito minsan sa loob ng isang linggo tuwing nasa MSC San Gabriel Green School Campus.

May mga piling girl at boy scouts din ng MSC High School ang dumalo sa pagsasanay ng SAVERS team ng Girl Scouts of the Philippines upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa emergency preparedness na makakatulong sa kanila at sa pamayanan.
Senyales na sa pagiging aktibo ang paglahok nina Gelanie Albalate at Armie Eloisa Exporna sa naganap na Girl Scouts Patrol Leader Course na ginanap noong Hulyo 1-3 sa Paaralang Elementarya ng Sto. Angel na kinabibilangan din ng mahigit 300 girl scouts mula sa Lungsod ng San Pablo.
Matapos ang naturang programa, ibinahagi nila ang kanilang mga natutunan sa kanilang mga kapwa girl scouts sa MSC nang sinimulan na ang pagbuo ng mga patrol sa bawat antas noong ika-8 ng Hulyo.
Hindi naman nagpapahuli ang mga boy scouts. Nagsimula na rin sila sa pagpaplano ng kanilang mga aktibidad sa ilalim ng pamamahala ng kanilang mga Scout leaders na sina G. Gutierrez at Danila.
Patuloy na nagbibigay pansin at pinahahalagahan ng MSC High School ang mga programa at aktibidad ng iskawting upang makatulong sa paghuhubog sa bawat mag-aaral ayon sa layunin nitong maging mabubuting mamamayan ng ating bansa ang ating mga kabataan.
You must be logged in to post a comment.