Tag Archives: Kim Austria

What do parents say about MSC High School?

Nothing makes school administrators and faculty members happier than to get positive feedback from parents of students and alumni.  We’re proud to share some feedback:

Sa MSC ko pinapasok ang aking mga anak dahil sa ang pangunahing pangangailangan ng mga estudyante ngayon ay nasa MSC, tulad ng computers. Alam naming marami silang matututunan dito, lalo na tungkol sa computers.

Lorena Austria
Mother of Kim, May & Cindy

Ako po bilang isang magulang na nagpaaral ng apat na anak sa MSC ay lubos na natuwa at nasiyahan sa kadahilanang nakatapos po ang aking mga anak na marami ang natutunan lalo na po sa musika, teknolohiya, at ang tungkol sa computers. Para sa akin po, ang MSC ay hindi lamang para sa mayayaman kundi para din pala sa mahihirap, dahil nagbibigay po sila ng scholarship sa mga batang matatalino ngunit mahirap at me nakakatapos dito ng wala o konti kamang ang binayaran. Nagustuhan ko ang MSC dahil maayos ang mga silid aralan, matatalino at mababait ang mga nagtuturo dito, pati na rin ang may ari at staff nito.

Sana po ay patuloy ang pagbibigay ng discount sa mga mahirap ngunit matatalinong bata. at hanggang sa aking magiging apo ay patuloy ko pa ring papag-aaralin diyan sa MSC.

Benedicto T. Pabelonia Sr.
Father of Adrian, Philip, Abel, Benny, & MB

Tatlo sa apat kong anak ang nag-aral sa MSC HS. Kasabay ng pag-aaral ng mga bata ay ang pagpupundar ko ng isang maliit na negosyo. Kulang kami sa pinansyal ng pangangailangan noong panahong iyon subalit hindi naging balakid na ituloy ang pag-aaral ng mga bata. Naging maluwag para sa akin ang pagbabayad ng Tuition fee na hindi naman kalakihan kumpara sa ibang private schools.

Sa panahon ngayon, ang computer ang isa sa pangunahing pangangailangan ng bayan tungo sa kaunlaran. Kundi ka marunong sa computer, mapag-iiwanan ka. Napakalaking tulong ng computer noong tumuntong sila sa Colegio. Palagi silang nangunguna sa mga course requirements dahil sila mismo ang gumagawa at di na nakikipagsiksikan sa computer shop. Sa MSC, mahaba ang oras nila sa computer lesson kaya mabilis silang natututo kesa sa ibang schools na halos isang oras lang ang time sa computer lesson. Malaki ang pasasalamat ng mga anak ko sa malaking advantage sa kanila ang maging computer literate.

Emelyn Pascua
Mother of Marylew, Charlotte, and Kevin