Ano ang MSC Advantage?

Ang “MSC Advantage” ay ang kaibahan o kalamangan ng mga mag-aaral at ng mga nagsipagtapos sa MSC kaysa sa mga nagsipagtapos sa ibang paaralan.

Una sa mga ito ay ang ekstensibong pagsasanay sa “computers.” Mas mahaba ang oras na ginugugol sa paggamit at pag-aaral ng kompyuter kaya nagiging mahuhusay ang mga mag-aaral dito.

Katuwang ng ekstensibong pagsasanay ay ang mga gurong nagtuturo sa MSC.  Ang mga guro dito ay tunay na mga propesyonal sa asignaturang itunuturo nila kaya ang natututunan ng mga mag-aaral ay mga ginagamit at ginagawa sa aktwal na buhay. 

Ang guro sa “computer repair” ay tunay na nagkukumpuni ng kompyuter;  ang guro sa “programming” ay tunay na gumagawa ng “programs” ; at ang guro sa “bookkeeping”  ay tunay na “bookkeeper.”    

At ang mga guro sa MSC ay may mga kredensyal sa pagtuturo na naayon sa kwalipikasyon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Pagdating naman sa pag-hahanap ng trabaho ay lamang pa rin ang galling sa MSC.    

Marami sa mga institusyon sa Lungsod ng San Pablo ang nakasanayan na ang pagkuha ng empleyado na nagtapos sa MSC.

Hindi lamang dahil sa kilala na ang MSC sa larangan ng kompyuter, kundi dahil din sa subok na nang mga kompanya dito ang galing ng mga nagsipagtapos sa MSC. 

Lamang pa rin ang MSC sa “National Certification” o NC, isang pagsusulit na ibinigay ng TESDA sa mga magsisipagtapos sa mga kursong teknikal.      

Sa taong ito, 86.4% ang nakapasa mula sa MSC.  Ito ay malaking kalamangan kumpara sa ibang “computer schools”  na halos walang pumasang mag-aaral.  

Mahalaga ang pagsusulit na ito dahil ito ang katumbas ng “board exam” sa ibang mga kurso.

Sa larangan naman ng “scholarship” ay may bagong paraan upang makapag-aral sa MSC nang kaunti lamang ang magagastos.Ito ay bukod pa sa ibang “scholarships” na iniaalok ng MSC sa kanila. 

Sa pamamagitan ng Barangay Scholarship Program ay ihahanap ng “sponsor” ang mga mag-aaral at ang halagang ibibigay ng “sponsor”  ay tutumbasan ng MSC.