Pangalawang SONA ni P-Noy, Tinutukan

ni: Caryl Franchette Abel

Kung walang corrupt, walang mahirap,” mga salitang iniwang tatak ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III simula ng siya’y maupo bilang ika-labinlimang pangulo ng Pilipinas. Ang nasabing tema ay binigyang pansin ni Pnoy sa kanyang pangalawang State of the Nation Address na ginanap noong ika-25 Hulyo taong kasalukuyan sa Batasang Pambansa.

Umiikot ang kanyang talumpati sa malaking kontribusyon ng kanyang administrasyon para sa unti-unting pagbangon ng bansa. Binatikos niya ang baluktot na pamamahala ng nakaraang administrasyon na kung tawagin ni Pnoy ay “wang-wang.”

Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III

“Kung walang corrupt, walang mahirap,” mga salitang iniwang tatak ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III simula ng siya’y maupo bilang ika-labinlimang pangulo ng Pilipinas.

Sa kabila nito, ipinagmalaki naman niya na sa unang taon pa lang ng kanyang panunungkulan ay nabawasan na ang mga nagugutom at mahihirap sa bansa. Tinutukan din ng kanyang talumpati ang mga sangay ng pamahalaan na malaki ang naitulong para sa kapakanan ng masa, kalakip din ang mga tiwaling sangay na walang gingawa kundi patuloy na pataasin ang kahirapan ng bansa. Hindi naman naiwasan ni Pnoy ang magpatawa para na din mabawasan ang tensyon na kanyang nabuo sa loob ng halos isang oras.

Ngunit sa huli, kahit na napakaraming batikos ang tinatanggap niya sa pangalawang taon ng kanyang termino hindi naging sagabal ito at sumalubong pa din sa kanya ang malakas na palakpakan mula sa kanyang mga taga-suporta.