Nagwagi si Rhyte Jeus C. Aldemo sa larangan ng paglalangoy (swimming) sa nakaraang Athletic Meet ng San Pablo City Division ng Dep. Ed. Si Aldemo ay isang third year na mag-aaral sa MSC High School.
Tatlong beses siyang nagwagi nang 3rd place, at dalawang beses na 4th place sa Division meet at siya ay ranked 9 sa kompetisyon ng swimming sa lungsod.
Dahil dito ay kabilang sya sa koponan ng lungsod ng San Pablo na lalahok sa STCAA (Southern Tagalog Calabarzon Athletic Asociation) Meet na gaganapin sa Pebrero 17 – 23 sa lungsod ng Trece Martirez, Cavite.