Ano-ano ang mga kursong maari mong kunin sa VYP-MSC IT?

Computer Programming o Information and Communications Technology Course – ay isang kursong nagtuturo nang paggawa ng “software or programs” sa kompyuter kung kaya’t ang isang nagtapos dito ay matatatawag na isang “programmer”. Ito rin ang tinatawag ng iba na “IT course” o Junior Computer Science. Kabilang sa pinag-aaralan dito ay ang paggawa ng “web pages” na nakikita sa Internet.
– Electronics and PC Hardware Servicing o Computer Technician Course – ay isang kurso kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral mag-buo nang isang kompyuter, at magmentena nito. Kasama na dito ang paghahanap ng sira (troubleshoot) at pagsasaayos (repair) nang mga sirang kompyuter at iba pang gamit na ikinakabit sa kompyuter o mga “accessories”.
– Bookkeeping o Business and Office Management Course – ay minsa’y tinatawag ding “Computer Secretarial Course” dahil ang pinag-aaralan dito ay ang pagpapatakbo ng isang tanggapan, pati na ang paggamit ng kompyuter at iba pang “office equipment”. Itinuturo din dito ang “Basic Accounting” kaya maaari ding tawaging “Accounting Aide” ang nagtapos nang kursong ito.
– Caregiving Course – ay isang “short course “ na maaring matapos sa loob ng anim na buwan. Tinuturuan ang mga mag-aaral nito nang pag-aalaga sa mga bata, matatanda at mga taong may kapansanan o sakit. Pinag-aralan din dito ang pagsasaayos ng kabahayan at tamang paggamit ng mga kasangkapan dito. Ang mga kultura ng mga bansang maaring pagtrabahuhan ay pinag-aaralan din dito.

– Finishing Course for Call Center Agents – ay matatapos sa loob nang isang daang oras (100 hours). Inihahanda dito ang mga mag-aaral upang magtrabaho sa “call centers” kung saan maraming manggagawa ang kinakailangan. Sila ang mga nakikipagusap sa mga tao na taga iba’t ibang bansa pamamagitan ng telepono.