Nagwagi si James Patrick Maghirang, mag-aaral ng MSC High School ng 3rd Place sa ICT-PC Assembly with Configuration and Networking sa nakaraang Regional Festival of Talents (Technolympics) na ginanap sa Nasugbu, Batangas noong Enero 14 – 18, 2013.
Si James ay kasalukuyang nasa 3rd year high school sa MSC at isa siya sa dalawang natatanging kalahok na nagwagi galing sa San Pablo City Division.
Ang MSC High School ang napili nang pamunuan ng San Pablo City Division ng Dep. Ed. na kumatawan sa division at lumahok sa paligsahan sa ICT-Tarpaulin Design, ICT-PC Assembly with Configuration and Networking at ICT-Webpage Design at hindi naman sila nabigo sa pagtitiwalang kanilang ibinigay dahil sa galing ng mga mag-aaral na galing sa MSC lalo na sa larangan ng ICT (Information and Communications Technology)!