Tag Archives: eco-friendly

MSC Nananatiling Eco-Friendly

ni: Gelanie T. Albalate

Taong 2008 ng unang gumawa ng hakbang ang VYP-MSC Institute of Technology para sa paninibago ng ating Inang Kalikasan, at ito ang pagpasinaya sa kauna-unahang “Green Campus” sa Lunsod ng San Pablo. Layon na mahikayat ang kanyang mga mag-aaral na muling buhayin ang ating nasirang kalikasan.

MSC Nananatiling Eco-Friendly

Eco-Friendly Campus

Nang unang mga taon ng nasabing paaralan ang mga aktibidad nito na umiikot sa pagpapanatili at pagpapaganda ng mga natural na resources na matatagpuan sa palibot ng paaralan ang siyang pinagtuunang pansin. Kagaya ng pagtitipid ng tubig, ng kuryente at ang pagsesegregate ng basura. Isa pa sa mga naging tampok ng kanyang mga unang taon ay ang pagkakaroon nito ng “vegetable garden” kung saan mismong ang mga mag-aaral ang nagtatnim at umaani sa mga produktong gulay.

Ngayon sa kanyang ika-apat na taon, kakikitaan pa rin ang “Green Campus” ng malaking interbensyon sa pangangalaga sa likas na yaman dahil sa mga proyekto nito kagaya ng “tree planting” na maaaring maging malaking tulong upang maagapan ang tuluyang pagkaubos ng kagubatan. Isa pa, ang “Vegetable Garden in a Pot” kung saan ay gagamit ng mga paso upang makapagsimula tayo ng isang hardin, isang alternatibong paraan upang makapaghalaman din ang mga lugar na labis ng urbanisado, at ang pinakahuli ay ang “Clean and Green Campaign” na inorganisa mismo ng mga mag-aaral nito.

Isang adbokasiyang mag-aangat sa pakikisangkot ng mga mag-aaral sa isyung pangkalikasan.

Masasabing ang MSC ay nananatili pa ring Eco-Friendly at masasabing simpleng bagay lamang ang mga layuning ito, Ngunit magiging malaking simula at tulong sa pagpapanibago ng ating Inang Kalikasan, at ang mga mag-aaral ang magiging daan sa layuning ito. Dahil naniniwala pa rin ang MSC Institute of Technology sa winika ng ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.”