Tag Archives: Leslie

MSC Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika 2014

Ngayong buwan ng Agosto, muling ipinagdiriwang ng mga mag-aaral ng MSC ang Buwan ng Pambansang Wika na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa.” Ito ay ayon sa Pangpanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Idineklara nito ang      buwan ng Agosto bilang Buwan ng Pambansang Wika kaugnay na rin ng kapanganakan noong Agosto 19, 1878, ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.

Nilalayon ng pagdiriwang na maipalaganap ang paggamit ng wikang pambansa upang maging instrument ng kapayapaan at mahikayat ang ating mga kababayan na bigyang halaga ang ating wika sa pagkakaisa ng bawat Filipino.

Ang paggamit ng Filipino   bilang wikang pambansa ay magbubunsod sa pagkakasundo sa mga usaping pangkapayapaan dahil  sa pagkakaunawaan ng bawat isa.

Lahat ng mag-aaral, kasama ang kanilang mga guro ay nagdaos ng isang palatuntunan noong Agosto 20. Tinampukan ito ng mga paligsahan sa larangan ng pagtula, pagtatalumpati, balagtasan, pagbabalita, sabayang pagbigkas, at mga paligsahan sa isahang pag-awit at dalawahang tinig. Mas pinasigla ang palatuntunan ng pagpili ng Lakan at Lakambini ng MSC at mga piling bilang mula sa iba’t ibang antas.

Buwan ng Wika 2014 winners

Buwan ng Wika 2014 winners

 

Ang mga nanalo sa mga paligsahan :

Tula: Alliah Patulot, 1st place, Leslie Umali , 2nd place, Rica Mae Comia, 3rd place,  Kyle Andrew Hara , 4th place

Talumpati: Januel Buedad , 1st place, Kyle Javier, 2nd place, Elyza Mendoza , 3rd place,  Abigail Diamante, 4th place

Balagtasan (Lakandiwa): Lianne Sarmiento, 1st place, Ashley Alcos, 2nd place, Angelica Rombaoa, 3rd place, Sam Reyes, 4th place

Balagtasan (unang panig): Decerie Tulipan, 1st place, Ezra Panganiban , 2nd place, Karl Buedad , 3rd place,  Arriane  Castillo , 4th place

Balagtasan (ikalawang panig): Linzi Penales , 1st place, Christine Villota, 2nd place, Lady Millares, 3rd place, Allyzon Reyes, 4th place

Pagbabalita: 4th year – Diamond, 1st place; Grade 7 – Sampaguita, 2nd place; Grade 9 – Narra, 3rd place; Grade 8 – Anahaw, 4th place

Sabayang Pagbigkas: 4th year – Diamond, 1st place; Grade 8 – Anahaw, 2nd place

Isahang Tinig: Venus Hernandez , 1st place, DecerieTulipan, 2nd place, Hannah Marie Flores, 3rd place,  Franco Melendrez, 4th place

Dalawahang Tinig: Lovynel Cortez & Albert Atienza, 1st place,  Angelica Rombaoa & Zeus Diacos, 2nd place, Adhie Banayo & Ryan Matuto, 3rd place, Christian Solpico & Mark Kenn Oca, 4th place

Mga Natatanging Mag-aaral – Pagpapakilala: Elena Hernandez & Aaron Yabut; Kasuotan: Arissa Jane Lacbay & Aaron Yabut; Talento: Linzi Penales & Neil Norman Tumawis; Pambato ng Masa: Elena HernandezAaron Yabut

Lakan at Lakambini 2014- 2015: Arissa Jane Lacbay & Jefferson Sarzadilla; Unang Lakan at Lakamini: Hazel Villanueva & Neil Norman Tumawis; Elena Hernandez & Aaron Yabut, Ikalawang Lakan at Lakambini; Lyka Gelyn De Luna & Nestor Jacob, Ikatlong Lakan at Lakambini.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda…”                                              – Dr. Jose P. Rizal