ni: John Ellery S. Alcantara
Ang pagkakaroon ng isang progresibong “Sports Club” ay nagbibigay galak sa bawat mag-aaral ng MSC High School. Maituturing itong isang kayamanan sa paaralan dahil may layunin itong palawakin ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa isports pati na rin sa mga termino ng bawat isport. Nagsisilbi rin itong inspirasyon sa bawat mag-aaral na paghusayan pa sa pag-aaral at pagsikapan pang tumaas ang kanilang mga marka.

Ang temang “Punla ang kaunlaran, tagumpay sa kinabukasan” ay mai-uugnay sa pampalakasan na kinakitaan ng walang humpay na pagsuporta ng mga kaguruan sa MSC High School. Kaya ipinagmamalaki ng bawat estudyante ang kanilang paaralan dahil sa mahusay na pamamalakad nito. Hangad nito ang isang aktibong komunikasyon na magbibigay inspirasyon sa pang-malawakang mga aktibidades ng bawat estudyante sa isang napakatamis na tagumpay.
Sa pangunguna ng mga mahuhusay na guro tulad ni G. Joseph Gutierrez at dahil na rin sa suporta nila, nabuo ang organisasyong ito.
Ayon sa napagpulungan noong ika-24 ng Hunyo, maaaring makasali muli ang mga manlalaro ng MSC High School sa darating na Palarong Panlunsod, kaya’t puspusan nang naghahanda at nag- eensayo ang bawat manlalaro ng bawat respetadong isports na kanilang lalahukan.
Ang temang “Punla ang kaunlaran, tagumpay sa kinabukasan” ay mai-uugnay sa pampalakasan na kinakitaan ng walang humpay na pagsuporta ng mga kaguruan sa MSC High School. Kaya ipinagmamalaki ng bawat estudyante ang kanilang paaralan dahil sa mahusay na pamamalakad nito. Hangad nito ang isang aktibong komunikasyon na magbibigay inspirasyon sa pang-malawakang mga aktibidades ng bawat estudyante sa isang napakatamis na tagumpay.
Mahalaga rin ang palakasan upang maging maayos ang kalusugan ng bawat isa at maging kapakipakinabang silang mga mamamayan.
You must be logged in to post a comment.